Leksiyon sa pagiging magulang
• Kung sinasadya kang istorbohin ng iyong anak, iyon ay dahil hindi ka malambing na ama o ina.
• Kung ang anak mo ay nagsisinungaling sa iyo, sobra ka kasi kung maka-react sa kanyang maliit na kasalanan. Kulang na lang ay ipako mo siya sa krus noong first time siyang nagkasala.
• Mababa ang tingin ng iyong anak sa kanyang sarili, kasi sa halip na palakasin mo ang loob niya kapag nabibigo, sermon at paninisi ang inaabot niya.
• Kung ang anak mo ay lumaking walang paninindigan, siguradong noong bata pa siya ay pinapagalitan mo siya sa harap ng maraming tao. Ayon sa psychology, isang malaking pagkakamali na pagalitan mo ang iyong anak sa harap ng kanyang mga kapatid, pinsan o kalaro.
• Sa kabila ng pagbili mo sa kanila ng maraming laruan, bakit ninanakaw pa rin nila ang laruan ng kanilang kalaro? Kasi ikaw ang pumipili ng laruang bibilhin at hindi sila.
• Kung ang iyong anak ay duwag o mahina ang loob, kasi noong bata pa siya ay laging ikaw ang sumasalo sa kanyang mga problema. Hindi mo siya binigyan ng pagkakataong dumiskarte para solusyunan ang sarili niyang problema.
• Kung ang anak mo ay inggitera, kasalanan mo ‘yan! Simula pa sa pagkabata, ugali mo nang ikumpara siya sa kapwa niya bata. At ang masakit, laging siya ang talo sa comparison.
• Kung ang anak mo ay mabilis uminit ang ulo, hindi mo kasi siya pinupuri kahit kailan. Papansinin mo lang siya kapag may masama siyang ginawa.
• Kung ang anak mo ay nagtatago ng sekreto sa iyo, natatakot kasi siya sa ugali mong mahilig magpalaki ng isyu.
• Kung bastos ang anak mo, iyon kasi ang nakikita niya sa iyo o sa matatandang kasama niya sa bahay.
• Kung hindi marunong rumespeto ang iyong anak sa damdamin ng ibang tao, iyon ay dahil para kang hari kung umasta sa inyong tahanan.
• Kung ang iyong anak ay mahilig makipag-away, kasi ikaw mismong magulang ay mahilig manakit sa kanya.
• Kung sinisiraan ka ng iyong anak sa kanyang mga kaibigan, iyon ay dahil may favouritism ka. At obvious na siya ay hindi mo paborito kaya may kinikimkim siyang galit sa iyo.
• Mabait ang iyong anak dahil kinagisnan nila ang kabaitan mo.
- Latest