Maid of Honor (89)

NANG aalis na si Rocky ay mahigpit na nagbilin na huwag ­lalabas ng bahay si Inah. Manatili muna sa bahay hangga’t hindi nahuhuli ng PNP o ng NBI ang notorious leader ng sindikato ng white slavery na ang front ay POGO.

“Mabuti na ang nag-iingat. Lagi ko kayong ia-update sa operation ng PNP,’’ sabi nito.

“Salamat Bro,’’ sabi ni Honorio.

“Wala yun, Pre. Ang mahalaga, nailigtas natin si Inah. Malaki rin ang naging papel mo kaya natin siya nai­ligtas,’’ sabi ni Rocky at binalingan si Inah. “Mag-ingat ka na sa susunod Inah. Huwag ka agad maniniwala sa recruiter.’’

“Opo Kuya. Marami pong salamat sa tulong mo.’’

Nagpasalamat din si Yana.

“Salamat po Kuya Rocky.’’

“Walang anuman, Inah at Yana. Sige, Pareng Honor, Mareng Bianca, babay na.’’

KINUPKOP na nina Honor at Bianca si Inah. Sinunod nila ang bilin ni Rocky na huwag itong lalabas ng bahay.

Magkatulong na sa gawaing bahay ang magkapatid.

Napapangiti si Honor kapag nakikita ang kasipagan ng dalawa. Masaya ang dalawa mula nang magkita.

(Itutuloy)

Show comments