^

Punto Mo

Iba’t ibang solusyon vs trapik sa MM, inilatag

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

IBA’T ibang pamamaraan na ang ipinatutupad para lang matugunan ang matinding trapik sa Metro Manila.

Hindi nga ba’t, itinuring ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ‘notorious’ na ang nararanasang trapik sa Kalakhang Maynila?

Kahapon may bagong kautusan ang Pangulo, ito ay ang  gawin na lamang sa gabi ang lahat ng road work projects para hindi makadagdag sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Isa umano ito sa mga estratihiya na dapat suriin para makatulong sa pagpapasaayos sa daloy ng trapiko lalo na sa Metro Manila nang hindi na umano mahirapan ang mga commuters at stakeholders.

Dahil sa matinding trapik, kadalasan nga namang nakikita na kahit hatinggabi na ay namumutakti pa rin ang hindi lamang ang mga sasakyan sa lansangan kundi maging ang mga commuters na naiipit dahil sa matinding trapik.

Ilang oras na lamang umano ang naitutulog   ng mga nagtatrabaho at estudyante para sa kinabukasan nilang muling paggawa.

May naging tugon din sa problema ang Metro Manila Council na binubuo ng mga alkalde sa MM.

Inadjust na ng MM LGUs ang pasok sa trabaho na magsisimula ng alas- 7 ng umaga hanggang alas-4 na ng hapon.

Ito umano ay makakabawas sa motorista sa daan sa mga rush at hindi rin sila masabay sa pasok ng nasa pribadong tanggapan.

Dapat na talagang matugunan ang malalang trapik sa mga pangunahing lansangan, na sumasabay pa nga sa matinding init ng panahon na nararanasan.

Kailangan pang makaisip ng mga panandaliang pamamaraan para ito matugunan habang kumikilos din naman sa pangmatagalang solusyon.

Payo nga lang sa mga motorista, na iwasan ang init ng ulo sa gitna ng matinding trapik at mainit na panahon, para maiwasan ang anumang kaguluhan at hindi pagkakaunawaan sa lansangan.

Road rage ang maaaring mangyari, kaya kailangan din na sa kabila nito mahinahon ang bawat isa para iwas sa malaking disgrasya sa kalsada.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with