Maid of Honor (86)

NAGULAT sina Honorio at Inah nang may makitang tao na nag-aabang sa kanila sa dulo ng tunnel. Parang alam na alam na doon sila magdadaan.

“Hindi kaya pulis ang nag-aabang sa atin, Inah?’’

“Hindi ko alam Kuya. Ang alam ko, walang nakaaalam ng tunnel na ito maliban sa mga dancers at mga tauhan ng KTV.’’

“Kung pulis baka naman tutulungan tayo.’’

Sana nga Kuya. At sana, mabuting pulis yan—hindi sana kurakot.’’

“Tayo na. Lapitan na natin.’’

Lumakad sila palapit sa lalaking nag-aabang.

Habang papalapit sila, naaaninag ni Honor ang la­laking nag-aabang.

Nang may ilang metro na lamang ang layo ng lalaki, namukhaan ito ni Honor.

“Kilala ko ‘to ah!’’ sabi niya.

“Talaga Kuya?’’

“Oo—si Rocky!’’ tuwang-tuwa nitong sabi.

Lumakad pa sila at tinawag ni Honorio.

“Rocky! Rocky’’

Nagmamadaling humakbang si Rocky sa kinaroroonan nila.

“Paano ka napunta diyan Rocky?’’

“Saka ko na ipaliliwanag. Umalis na tayo dito! Dali!”

Nagmamadali silang umalis.

(Itutuloy)

Show comments