^

Punto Mo

Maid of Honor (50)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SASABIHIN na ni Honorio ang kahilingan kay Yana nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. May tumatawag sa kanya. Si Bianca. Sinagot agad niya ang asawa.

“Hello, Bianca?’’

“Honor nasan ka na?’’

“Narito pa sa condo. Papunta na diyan.’’

“Ba’t ang tagal mo?’’

“Natrapik ako,’’ pagsisinungaling niya.

“Naibigay mo ba ang pera kay Yana—pambili niya ng pagkain?’’

“Oo.’’

“Yung ekstrang damit ni Baby baka malimutan mo.’’

“Hindi nakahanda na. Patungo na ako diyan.’’“Sige bilisan mo at nagugutom na ako. Hindi ako makakain dahil ayaw matulog ni Baby.’’

“Sige andiyan na ako.’’

Ini-off ni Honor ang cell phone. Dinukot ang pitaka sa bulsa at kumuha ng P1,000 at binigay kay Yana.

“Pambili mo ng pagkain. Hanggang bukas pa kami sa ospital. Baka wala ka nang kainin.’’

“Puwede naman ako kahit itlog lang kuya—may dalawa pang itlog.’’

“Kahit na. Bumili ka na lang ng makakain mo. Pero huwag mong kalimutan na isara ang pinto.’’

“Opo Kuya.’’

Pumasok si Honor sa kanilang bedroom at kumuha ng damit ng baby. Inilagay sa plastic.

Nang lumabas siya ay nakaabang si Yana.

“Kuya ano yung hihilingin mo?”

Tumingin si Honor kay Yana.

“Saka na lang tayo mag-usap. Hinihintay na ako ni Ate Bianca mo sa ospital.’’

“Kuya huwag mo na akong isusumbong kay Ate ha?’’

Tumango si Honor.

“Salamat Kuya.’’

Lumabas na si Honor.

Isinara ni Yana ang pinto. Tiniyak na sarado iyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with