^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagbayarin, may-ari ng Princess Empress 

Pang-masa
EDITORYAL - Pagbayarin, may-ari ng Princess Empress 

MALAKING perwisyo ang idinulot nang lumubog na MT Princess Empress sa maraming bayan sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023. Maraming langis ang tumapon sa karagatan at naapektuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda sa nasabing lalawigan.

Umabot sa P41 bilyon ang pinsala ng oil spill at maaaring lumaki pa sapagkat hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring langis ang nakakulapol sa dalampasigan. Bagama’t inalis na ang state of cala­mity sa mga lugar na pininsala ng oil spill, marami pa rin sa mga mangingisda ang hindi pa lubusang nakababangon. Ayon sa mga eksperto, matatagalan pa bago tuluyang maalis ang nakakapit na langis. Kung sa dalampasigan ay bakas pa ang langis, tiyak na mayroon pa sa mga corals na tirahan ng mga isda.

Mahigit 800,000 litro ng industrial fuel oil na karga ng Mt Princess Empress ang tumapon sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro pero hindi lamang ang bayan na ito ang naperwisyo kundi ang marami pang bayan na kinabibilangan ng Pola, Pinamalayan, Gloria, Mansalay at Calapan.

Sa lahat ng mga bayan, ang Pola ang grabeng tinamaan ng oil spill. Nasira ang magagandang tanawin sa mga beach ng Pola nang makulapulan ng langis. Ang mga luntiang bakawan na pang-akit ng Pola ay nasira rin. Ang pangingisda ang numero unong pinagkakakitaan ng mga taga-Pola. Nagbigay ng ayuda ang pamahalaan sa mga naapektuhang mangingisda pero ang sabi ng mga taga-Pola at Pinamalayan, mas inuna pa ang ibang bayan o siyudad na binigyan ng ayuda kaysa mga totoong naapektuhan.

Hanggang ngayon, wala pang ibinababang hatol sa mga may-ari ng Mt Princess Empress. Malaki ang pananagutan ng may-ari ng barko sapagkat lumalabas sa imbestigasyon na hindi naman ito talaga kargahan ng langis at ni-repair lamang sa isang shipyard sa Navotas. May malaki ring pananagutan ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard na nagbigay ng permiso sa Mt Princess Empress na makapaglayag sa kabila na hindi ito kargahan ng langis.

Hindi pa malaman kung magkano ang matatanggap na danyos ng mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill. Hindi rin alam kung kailan ito matatanggap. Ang isang tiyak, patuloy pa ring nakakapit sa patalim ang mga mangingisda sapagkat nananatili pa rin ang bakas ng oil spill.

Sa ganitong sitwasyon, hindi dapat hayaan na magutom ang mga apektadong mangingisda. Nagkaloob na ng tulong ang Department of Social welfare and Development (DSWD) ng cash aid sa 14,291 mangingisda na naapektuhan ng oil spill. Hindi ito sapat at dapat pang ayudahan ang mga kawawang mangingisda.

vuukle comment

PRINCESS EMPRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with