^

Punto Mo

Surot sa airport!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

PANIBAGONG isyu na naman ang kinakaharap ng  Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi nga ba’t kamakailan lamang ay idinaing ng  mga paparating na mga   pasahero ang mahabang pila na kanilang  nararanasan bago makalabas sa customs arrival area ng paliparan.

Aba’y kontodo alburoto talaga  ang mga nakapilang pasahero  matapos na pairalin ang  paper less na transaksyon sa mga dumarating na pasahero.

Hindi umano gumana ang QC code kaya ang siste ­kailangang mag-manual at doon magsusulat ang mga dumating na pasahero. Marami sa mga pasahero ang wala nito kaya ayun, nagkaloko-loko at humaba na nga ang pila.

Ngayon may iba na namang isyu ang paliparan partikular ang Terminal 2 at 3, at ito ay dahil sa pag-atake umano ng mga surot.

Ilang mga pasahero ang nag-post sa social media na biktima sila ng kagat ng surot sa upuang metal at rattan furniture sa arrival area kamakailan.

Dahil nga sa surot, naglalakihang pantal at pangangati ang inabot ng ilang pasahero.

Yun pa nga ang nakapagtataka bakit pati metal na upuan ay pinamahayan ng surot.

Baka naman ang ibig sabihin nito,  hindi nagiging regular ang pagliliis o pag-disenfect sa mga gamit dito.

Mukhang hindi na kakayanin ang linis-linis lang, dapat  siguro nga eh tanggalin na ang mga upuang ito nang maiwasan ang mga mabibiktimang uupo dito.

Kahit ano pa marahil ang sabihin, maituturing itong kahihiyan sa bansa, lalo pa nga’t binabansagan ang ating mga paliparan na ‘worst airport’ sa buong mundo.

Dahil nga sa nag-viral   sa takot sa surot, napipilitan ang mga pasaherong tumayo na lamang na talagang pahirap sa kanila lalo na kung aabutin ang pag-iintay sa mahabang oras.

Humingi naman ng paumahin ang pamunuan ng MIAA sa mga biktima ng surot kasabay nang pagsasabing ginagawa na nila ang mabilisang pagresolba kaugnay dito.

Yun din palang mga upuan na natukoy na may surot ay permanente nang inalis,  habang patuloy ang isinasagawang  disinfection.

 

vuukle comment

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with