^

Punto Mo

Hulaan blues: Sinong papalit kay Acorda?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY birthday Ate Clarise!

• • • • • •

Halos isang buwan na lang sa puwesto si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at nagsimula na ang guessing game kung sino ang papalit sa kanya. Sa totoo lang, na-extend ni President Bongbong Marcos ang termino ni Acorda hanggang Marso 31 subalit mapaikli pa ito ng isang linggo dahil ang Holy Week ay nasa dulo nitong buwan. Get’s n’yo mga kosa?

Sa ngayon, maraming kumakalat na Marites sa Camp Crame, ang main headquarters ng PNP, at siyempre may kanya-kanyang manok ang sinumang makausap na opisyal. Kasama sa Marites ang ma-extend na muli si Acorda dahil sa bangayan nina BBM at Tatay Digong. Na naman? Hehehe! Sakit sa bangs nito.

Kung sabagay, wala namang bagong kandidato dahil sila-sila pa rin kung natuloy ang pagretiro ni Acorda noong December 3. Subalit sa ngayon, labanan na ito ng mga miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class ’91 at PMA “Tanglaw Diwa” Class ’92. Ang PMA Class ’92 mga kosa ang huling graduate ng PMA na nasa PNP. Halos mahigit 20 na lang ang PMA graduates na aktibo sa ngayon sa PNP.

Kaya may Marites din na graduate naman ng PNP Academy ang pipiliin ni BBM na papalit kay Acorda. ‘Tiyak PNPA Class ‘91 din ‘yon kasi sila na ang pinaka-senior sa PNP na taga-PNPA. May the best man win na lang! Puwede naman ang gapangan dahil last hurrah na nila ito kaya lang sana walang gibaan ha? Hehehe! Puwede kaya ‘yon?

Dahil si Acorda ay miyembro ng PMA Class ’91, natural lang na gusto rin niyang ang kanyang kaklase ang papalit sa kanya. Ang matunog na kandidato sa Class ‘91 ay si Lt. Gen. Emannuel Peralta, ang Deputy Chief for Administration, na taga-Nueva Ecija subalit ang asawa ay taga-Davao. Bilang DCA, next in line o No. 2 man na si Peralta sa PNP.

Si Peralta ay dating TCDS subalit biglang nahirang na DCA kaya sinasabi ng mga kosa ko na “bagyo” siya sa administration ni BBM. Get’s n’yo mga kosa? Nabura ang tsansa ni Lt. Michael John Dubria, dahil may order na siya sa DCA subalit na-nullify pa at nilaktawan pa ni Peralta. Nanatiling DCO si Dubria. Ang bagong chief ng TCDS na si Lt. Gen. Jon Arnaldo? ‘Ika nga sa karera, rumaratsada rin si Maj. Gen. ­Rommel Marbil, ang hepe ng Directorate for Comptrollership. Hayan ang mga pambato ng PMA Class ’91. Hehehe! Kalangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa PMA Class ’92 naman ang mga matunog ay sina Maj. Gen. Ronald Lee, ng Directorate for Operations; Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco, ng Directorate for Investigation and Detective Management; Maj. Gen. Mario Reyes, ng Directorate for Logistics, NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, at CIDG director Maj. Gen. Romeo Caramat.

Hindi nangangahulugan mga kosa na ang mga hindi nabanggit sa itaas ay hindi na puwedeng papalit kay Acorda ha? Tandaan na si BBM lang, bilang commander -in -chief ng PNP, ang may karapatang pumili ng next PNP chief. Mismooooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dahil sa away nina BBM at Tatay Digong, malakas ang Marites na ang next PNP chief ay matawag na FBI o full bloodied Ilocano. Ang mga natirang FBI na PMAyers sa PNP ay sina Lee na taga-La Union subalit ang asawang si Bong ay taga-Batac, ang hometown ni BBM. Ang iba pa ay sina Reyes na taga-Ilocos Sur, Nartatez sa Ilocos Norte at ang deputy ng DPRM na si Brig. Gen. Matthew Baccay, na taga-Cagayan. Dipugaaaaa! Take your pick mga kosa! Abangan!

vuukle comment

BENJAMIN ACORDA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with