^

Punto Mo

Estratehiya ng Maisug, kinukumpuni?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAUNSIYAMI ang mga gatungero ng kampo Maisug sa mga bagong pahayag ni dating Pres. Digong Duterte hinggil sa administrasyon ni Pres. Bongbong Marcos. Nagmalasado na ba sina curtain raiser Glenn Chong, Harry Roque at Vic Rodriguez?

Hindi raw naman tutol si Digong sa Charter change (Cha-cha) na isinusulong ng kongreso para sa economic provisions. Nademonyo lang talaga si Digong ng mga nakapaligid na amuyong nito gayung wala naman palang pampulitikang isinusulong si PBBM. Duda pa kaya si Ate Imee kay cousin Martin?

Naging bukambibig na ngayon ni Digong ang pagpapaubaya sa anumang pagbabago sa bansa kay Heavenly God na dati niyang binabarubal na may kasunod na pagmumura. Papaano na ngayon si appointed Son of God Apollo Quiboloy? Peace!

Ang napakaliit na bulto ng dumalo sa Maisug prayer rally sa Cebu ang tila gumising kay Digong na sopla ang tropa ni Quiboloy sa bilang ng mga Katolikong Sugbuhanon dahil kaunti lang ang nagsidalong kapanalig ng appointed Son of God.

Kahit binaha ito ng jacket at entertainers ay kapansin pansin na kumalog ang venue ng isinagawa nilang prayer rally. Subukan kaya nila sa Plaza Miranda sa Quiapo. Aber ngaaa!

Matalino man si Digong ay malulugmok lang sa kawalan ang estratehiya nito kung hindi nila babaguhin ang estilong pambabarubal sa harap ng mamamayan. Under repair ba sila ngayon? I-overhaul na yannn!

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with