^

Punto Mo

NFA rice binenta sa presyong palugi?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi dapat palampasin kundi talagang kailangan mabusisi at silipin ang panibagong isyu sa bigas na nakaimbak sa warehouse ng National Food Authority (NFA).

May ulat kasi na nakarating sa tanggapan ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. patungkol umano sa pagbebenta ng NFA ng libong toneladang bigas sa isang negosyante sa paluging halaga.

Kung saan nga talung-talo ang gobyerno sa bagsak presyo.

Naku naman, panibagong kalokohan na naman yata yan na dapat talagang maimbestigahan.

Dapat matumbok kung sinong mga opisyal sa tanggapan ang nag-aprub o pumayag sa bentahang ito, na ayon pa nga sa ulat eh walang naganap na bidding.

Sasakit talaga ang ulo ng DA dito, nang malamang ilang opisyal ng NFA ang nagbigay permiso na maibenta ang mga nakaimbak na milled rice sa warehouse sa halagang P25 kada kilo makaraang mabili ang palay sa halagang P23 kada kilo.

Ang masaklap, mukhang isang negosyante lamang ang nabiyayaan sa bagsak presyo.

Ayan na nga at bumuo na si Laurel ng panel of investigators para busisiin ang naturang ulat.

Kung totoo yan, na ikinalugi ng gobyerno, sigurado naman may nakinabang at kumita sa bentahan na ito.

Hindi nga mabatid baka matagal na ang ganyang kalakaran at ngayon lamang nasisilip.

Aminado ang DA secretary, na ilang dekada na umanong napabayaan ang mga magsasaka at mangingisda dahil sa kapabayaan ng ilang opisyal.

Eh imbes nga naman na matignan ang kapakanan ng naturang  mga sektor na ito, eh may ilan naman na nagpayaman gamit ang kanilang puwesto.

Habulin, putulin na ang ganyang gawain, dapat sa mga yan eh dalain nang hindi na mapamarisan pa.

vuukle comment

NFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with