^

Punto Mo

Maid of Honor(45)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MABUTI nang narito sa ospital si Baby para naa­alagaan ng doktor niya,” sabi ni Bianca habang nakatingin sa natutulog na anak. “Kinakabahan ako kapag mainit na mainit ang temperature ni Baby. Di ba masama ang sobrang taas ng lagnat?’’ tanong ni Bianca kay Honor.

“Oo. Masama sa baby yun.’’

“Kaya gusto kong i-confine siya—kahit dalawa o tatlong araw. Hindi baleng gumastos tayo basta masiguro lang ang kaligtasan ni Baby.’’

“Oo. Ganundin ang gusto ko.’’

“Kapag magaling na magaling na si Baby saka natin ilabas.’’

“Oo. Hindi na muna ako papasok sa opis para may kasama ka rito.’’

“Oo, Honor.’’

“Paano si Yana? Meron pa ba siyang kakainin? Baka wala nang laman ang ref?’’

“Ay oo nga! Yung niluto natin kagabi, e last na,’’ sabi ni Bianca.

“Paanong gagawin natin?’’

“Teka at mag-iisip ako ng paraan.’’

“Sabagay maparaan naman si Yana. Tawagan mo na lang at sabihin mo e magtiis na lang sa sardinas.’’

“Wala na ring sardinas, Honor.’’

“Ano na lang meron?’’

“Asin na lang yata ang nasa ­lalagyan, ha-ha-ha!’’

“Magtiyaga na lang siya sa asin.’’

“Kawawa naman. Mabuti pa sumaglit ka bukas ng umaga sa condo at dalhan mo ng pera para meron siyang pambili ng pagkain.’’

“Sige.’’

“Kawawa naman si Yana kung walang kakainin. Kumuha ka na rin ng ekstrang damit din ni baby.’’

KINABUKASAN, umuwi si Honor para dalhan ng pera si Yana.

Nang makarating sa kanilang unit, nagtaka siya nang pihitin ang door knob—bukas!

Naiwang bukas ni Yana? Baka may taong nakapasok sa loob na di nalalaman ni Yana?

Binuksan niya. Wala namang ibang tao. Nasaan kaya si Yana?

Tatawagin na niya ito nang makarinig siya nang lagaslas ng tubig sa banyo. Naliligo si Yana!

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with