^

Punto Mo

Lalaki na nakatapos ng marathon habang nagdidribol ng basketball, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 24 anyos na lalaki sa Texas ang nakapagtala ng bagong world record matapos siyang makatapos ng half marathon habang walang tigil na nagdi-dribol ng basketball.

Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na Guinness World Records na ang University of Texas grad student na si Ben Duong ang pinakabagong record holder ng titulong ‘Fastest Half Marathon Dribbling’.

Ito ay dahil natapos niya ang isang half marathon sa loob ng 1 hour, 21 minutes and 39 seconds habang walang tigil na nagdi-dribol ng bola ng basketball.

Bukod sa Guinness achievement, naka-12th place din siya sa half-marathon category sa Austin Marathon.

Nang matapos ni Duong ang marathon, sinalubong siya ng San Antonio Spurs mascot na si The Coyote para siya i-congratulate.

vuukle comment

MARATHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with