^

Punto Mo

Mahabang pila sa NAIA, mga ­pasahero nag-alburoto

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NITONG mga nakalipas na araw, matindi ang nararanasang kalbaryo ng mga paparating na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil daw sa matagal at mahabang pila na nararanasan bago makalabas sa customs arrival area.

Aba’y kontondo alburoto na umano ang mga nakapilang pasahero na nagpahayag na rin na totoo umano ang bansag na ‘worst airport’ sa buong mundo ang NAIA.

Nabigla umano ang mga pasahero sa paper less na transaksyon sa mga dumarating na pasahero.

Hindi umano gumana ang QC code kaya ang siste kailangang mag-manual at doon magsusulat ang mga dumating na pasahero. Marami sa mga pasahero ang wala nito kaya ayun, nagkaloko-loko at humaba na nga ang pila.

Binuhay ng Bureau of Customs sa NAIA ang obligasyon ng mga pasahero na magsumite ng Customs baggage declaration card sa lahat ng international passengers na darating sa Pilipinas.

Magugunitang pansamantalang itinigil ang mandatory production ng arrival declaration cards noong 2007 dahil sa mga reklamo ng congestion sa arrival area terminal ng NAIA.

Ngayon nga ay nais ng Customs na muling ideklara ng mga pasahero kung ano ang kanilang dala o ang laman ng kanilang mga bagahe.

Ang Customs declaration card ay kasama na sa e-travel declaration ng Bureau of Immigration via online, na ito naman ang ikinabigla ng mga pasahero.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Bureau of Customs sa Airlines Operation Councils para sa pagdadala ng mga declaration card sa mga bansang pinanggalingan ng mga dayuhan at Filipino returnees.

Baka naman nagkulang lang sa mga impormasyon kaya nagkaroon ng kalituhan.

Ang pinangangambahan lang dito ay sa inaasahang pagdagsa ng pasahero sa mga nalalapit na mahabang holiday.

Mas lalong ito ang dapat mapaghandaan ng mga kinauukulan para pag-aalboroto ng mga pasahero ay maiwasan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with