^

Punto Mo

Maid in Honor (40)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KUNG anu-ano na ang naisip ni Honor. Naging malikot na ang imahinasyon niya. Siguro nga kaya alam ni Yana na paborito ng mga customer sa KTV bar ang sisig ay dahil dati siyang dancer doon.

Bakit alam na alam ni Yana ang mga kina­kain sa KTV?

Mukhang lumilinaw na galing sa KTV si Yana bago naging maid.

“Ikaw Honor, kakain ka ng sisig kapag nagluto kami ni Yana?’’ tanong ni Bianca na ikinagulat ni Honor.

“Depende. Kung masarap e kakain ako—kung hindi masarap, hindi ako kakain.’’

“Sasarapan namin ni Ate, Kuya,’’ sabi ni Yana.

“’Yung kasing sarap ng sisig sa KTV?’’

“Oo, Kuya—mas masarap pa roon.’’

Natigilan si Honor. Lalong lumakas ang hinala niya.

Napatingin si Bianca sa kanya.

“Bakit parang natitigilan ka Honor?’’

“Ha? A e wala.’’

“Akala ko, may iniisip kang problema.’’

Nagtungo si Yana sa lababo at naghugas ng pinggan.

Patuloy naman sa pag-iisip si Honor. Baka nga si Yana ang dancer sa KTV. Bakit alam niya pati pulutan dun.

Natabig niya ang kutsara at nalaglag sa sahig. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with