^

Punto Mo

Babae, nagsuot ng patung-patong na sweater para sa Guinness Records!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Washington, U.S.A. ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record matapos siyang makapagsuot ng 45 sweaters!

Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na Guinness World Records na ang teenager na si Sophia F. Hayden ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Sweaters Worn at Once”. Ito ay matapos masuot niya nang magkakapatong ang 45 piraso ng sweater.

Ang previous record holder nito ay isang 11 year-old na batang lalaki sa France na si Thomas Hocquet-Umambo na may record na 40 sweaters.

Sa patakaran na nilabas ng Guinness, dapat ay isa-isang isuot ni Hayden ang mga sweater at dapat ay aabot hanggang sa kanyang beywang ang mga ito. Isa rin sa mga rules ay hindi dapat mapupunit ang tela ng mga sweater. Ang magkakaroon ng punit ay hindi ibibilang sa record.

Si Hayden ay nagmula sa pamilya ng mga Guinness World Record holders kaya naisipan niya na magkaroon din ng sarili niyang world record.

Ayon kay Hayden, hindi ang mismong pagsusuot at pagpapatung-patong ng sweater ang na­ging challenge sa kanila para ma-achieve ang world record na ito. Ang paghahanap ng 45 na sweater na kakasya nang sabay-sabay mula sa iba’t ibang tindahan ang nagpahirap para sa kanya.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with