^

Punto Mo

EDITORYAL - Cyanide, ginagamit sa Bajo de Masinloc

Pang-masa
EDITORYAL - Cyanide, ginagamit sa Bajo de Masinloc

NAPAKASAMA na ng ginagawa ng China sa West Philippine Sea particular na sa Bajo de Masinloc kung saan ginagamitan na ito ng cyanide para maitaboy ang mga Pilipinong mangingisda. Ayon kay Nazario Briguera, spokesman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paggamit ng cyanide ay nakasisisira sa coral reefs na tirahan ng mga isda.

Hindi lamang pambu-bully ang ginagawa ng China kundi malawakang paglason na nakakaapekto sa lahat ng yamandagat. Sabi ng BFAR, dahil sa paggamit ng cyanide, milyun-milyong piso ang damage sa corals. Ayon pa sa BFAR, bukod sa China, gumagamit din ng cyanide ang Vietnam.

Ang Bajo de Masinloc ay 220 kilometers ang layo sa Zambales. Sa shoal na ito pinakamaraming nahu­huling isda at isa sa pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga mangingisdang Pilipino. Kung totoo ang sinasabing paggamit ng cyanide, saan pang lugar mangingisda ang mga Pinoy. Lahat nang pinagkakakitaan nila ay inaangkin ng China.

Noong Biyernes, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na magsisimula nang ­magpatrulya ang Philippine Coast Guard (PCG) at BFAR sa paligid ng Bajo de Masinloc upang mabantayan ang shoal at pati na rin ang mga mangingisdang Pinoy na ­maraming ulit nang nakaranas nang pambu-bully sa China Coast Guard.

Ayon kay Año, nanggaling ang direktiba kay President Ferdinand Marcos Jr. Sinabi pa ni Año na sisiguruhin nila na mabibigyan ng proteksiyon ang mga Pilipinong mangingisda.

Noong nakaraang Enero, limang miyembro ng China Coast Guards (CCG) ang nang-harassed sa mga mangingisdang Pilipino habang kumukuha ng mga kabibi sa Bajo de Masinloc. Na-videohan ng mga mangingisda ang pangha-harass ng CCG members. Hinarang ng CCG na nakasakay sa rubber boat ang mga mangingisda. Hinawakan ng mga ito ang bangka ng mga Pinoy fishermen para hindi makaalis.

Ayon sa mga mangingisdang Pinoys, nilapitan sila ng CCG nang makitang kumukuha ng mga kabibi. Nang makita ng mga CCG ang mga nakuha nilang kabibi, inutusan umano sila ng mga ito na ibalik ang mga iyon sa dagat.

Hindi ito ang unang pagkakataon na hinarass ang mga mangigingisda sa Bajo de Masinloc. Noong Dis­yembre 2023, hinarang ang mga mangingisdang Pinoys ng mga Chinese militia at saka itinaboy. Dahil sa ginawa ng mga Chinese militia, walang naiuwing huli ang mga mangingisda kaya nagutom ang kanilang pamilya.

Simulan na ang pagpapatrulya ng PCG at BFAR sa Bajo de Masinloc. Magpakita na ng ngipin ang Pilipinas sa China, lalo’t nilalason na nila ang pag-aari ng bansa. Magkaisa ang mga Pilipino para labanan ang China.

vuukle comment

BAJO DE MASINLOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with