^

Punto Mo

Nagpakalat ng ‘bomb threat’, perwisyo, tugisin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NABULABOG ang maraming ahensya ng gobyerno makaraang makatanggap ng  ‘bomb threat’ na pinadaan sa e-mail at mukhang iisa lang pinanggalingan.

Hindi lang mga ahensya sa Metro Manila, kundi may naiulat din sa mga lalawigan.

At dahil nga marami ang naperwisyo ng ganitong mga banta, kaya ipinag-utos nang Department of Justice (DOJ) sa Natinaol Bureau of Investigation (NBI) masiyasat na mabuti ang ganitong mga pananakot gamit ang electronic mail.

Isang Takahiro Karasawa na isa umanong abogado mula sa ‘Steadiness Law Office’ ang e-mail sender ng mga bomb threat.

Hindi lang mga trabaho sa ahensya sa gobyerno ang pinerwisyo nito, kundi maging ang ilang paaralan na rin na nagsuspendi ng kanilang klase.

Sa lungsod Quezon lamang, walong ahensiya dito ng pamahalaan ang umano’y ‘binulabog’ ng bomb threat na ito ni Takahiro. Halos ganitong pagbabanta rin ang natanggap sa lalawign ng Bataan.

Noon palang nakalipas na taon ay nangyari na rin ang ganitong ‘hoax e-mails’ sa bansang Korea na tinarget din ang mga government agencies.

Ayon nga sa DOJ dapat na agad na matukoy at panagutin ang mga taong nasasangkot sa ganitong mga gawain lalo pa nga at nagdudulot ng takot sa marami.

Umaasa ang marami na agad na makikilala ang nagpapakana nang ganitong mga pananakot, supilin at parusahan.

Bagamat karamihan nga ay panloloko lamang , marapat din naman na maging alerto ang mga kinauukulan patungkol sa ganitong pananakot para hindi rin mabulaga sakaling totoo ang banta. Tratuhin palaging seryoso ang ganitong mga umano’y bantang pananakot.

vuukle comment

BOMB THREAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with