^

Punto Mo

Higanteng dragon balloon sculpture sa Hong Kong, nakatanggap ng Guinness World Record

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Nakapagtala ng bagong world record ang dragon sculpture na gawa sa 38,000  balloons na naka-display sa isang shopping mall sa Hong Kong!

Kinumpirma ng Guinness World Records na ang mga balloon artists na si Sze Tai Pang at Kun Lung Ho ang pinakabagong may hawak ng titulong “Largest Balloon Sculpture of a Dragon”.

Nabuo nina Pang at Ho ang dragon balloon sculpture na may sukat na 137.04 feet. Kasama ng dalawang balloon artists ang 60 volunteers na tumulong sa pag-assemble ng sculpture. Ang mga volunteers ay mga college students at high school students mula sa iba’t ibang unibersidad at ­secondary school sa Hong Kong.

Ginawa ang dragon sculpture bilang bahagi ng Chinese New Year celebration ng Tuen Mun Town Plaza o tmtplaza sa Northwestern New Territories.

Ayon kina Pang at Ho, ang naging challenge para sa kanila ay mabuo ang sculpture nang hindi gumagamit ng base o supporting frame. Ang buong sculpture ay gawa lahat sa balloons.

Naka-display ang dragon sculpture sa naturang shopping mall hanggang sa katapusan ng Pebrero.

vuukle comment

HONG KONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with