^

Punto Mo

PI, Cha-cha personalan na?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

IMBES na humupa, lalo yatang umiinit ang bangayan ng Senado at Kamara patungkol sa usapin sa People’s Initiative na may kaugnayan sa isinusulong na Charter Change (Chacha).

Aba’y kanya- kanyang patama ang mga mambabatas na dito dapat na marahil na may mamagitan at patigilin ang mga ito sa kanilang mga pagdadakdak.

Imbes nga naman na ang atupagin eh ang may kinalaman para matulungan ang mga mamamayan, eh sila-sila ang nagsisirain.

Ang masaklap pa, mukhag personalan na ang labanan.

Binabanatan ngayon ng mga kongresista si Sen. Joel Villanueva, na mistulang nagmaliit umano sa kanila (congressmen).

Marami umanong mga kongresista ang labis na nasaktan sa naging pahayag ni Villanueva na nagsabing hindi pwedeng ikumpara ang mga senador sa mga congressmen.

Lalo pa nga at gumamit umano ang senador ng analogy na hindi maaaring ikumpara ang mansanas sa orange.

Maging sa porsiyento ng mga nakukuhang boto, tila nagkasilipan na.

Ipinaalala pa ng ilang kongresista kay Villanueva na minsan din itong naging partylist kaya hindi ito dapat umasta na mataas na siya.

Matindi ang naging banat kahapon ni AKO Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, sa senador nang sabihin nito na sobrang mapagmataas at yumabang na ang huli.

Matitindi ang akusasyon, tila personalan na ang dating sa ilan.

Habang naghihintay ang mga mamamayan ng pwede nilang magawa para maitaas ang pamumuhay ng mga Pinoy, base sa mga batas na kanilang lilikhain, eh tila nadidismaya ang marami sa ganitong iringan ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Pakiramdam ng marami, tila nabubuhos ang oras ng mga mambabatas sa kakasagutan patungkol sa PI at Chacha, na kanilang ikinadidismaya.

Kung ano ang magiging ending nito, sana nga eh sa kapakanan ng marami at hindi ng kani-kanilang mga sarili.

vuukle comment

CHARTER CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with