^

Punto Mo

Cybercrime, alarming na pinatututukan sa PNP

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. marahil ay naaalarma na rin sa pagtaas ng cybercrime sa bansa kaya nga mahigpit niya itong pinatututukan sa Philippine National Police­ (PNP).

Sa kanyang kautusan nais ng Pangulo na palakasin at pagbutihin ang cybersecurity system sa bansa para ito malabanan.

Sa panig naman ng kapulisan, sinabi PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na bagama’t bumaba ng nasa 10 porsiyento ang krimen sa bansa, may panga­ngailangan talaga na matutukan ang cybercrime at ang love scams na tumaas noong last quarter ng 2023.

Ang love scams naman ay inaasahang tataas pa lalo ngayong buwan ng Pebrero.

Bilang tugon sa kautusan ng Pangulo, may pangangailangan din na palakasin ang kapasidad ng mga pulis sa ground at hindi sa regional level lamang.

Sisimulan na umano ang pagsasanay ng mga personnel na tututok sa paghawak ng cybercrime o online crimes.

Ang mga ito umano ang ibaba nila sa bawat police station.

Magkakaroon rin ng National Cybercrime Training Institute kung saan maaring sanayin ang kapulisan sa cybercrime.

Special investigators ang kakailangan dito.

Ika nga iba na ang may alam sa ganitong uri ng krimen at kung paano ito malulutas o matutugis ang mga nasasangkot.

vuukle comment

CYBERCRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with