^

Punto Mo

Mga kaalaman na ngayon mo lang mababasa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Noong World War II, nanawagan ang U.S. government sa mga housewives na huwag itapon ang mga nagamit na cooking oil o mga tabang kumatas mula sa pagprito ng karne. Ipinaiipon ito para ibigay sa American Fat Salvage Committee. Ang mantika pala lalo na mula sa bacon ay magandang ingredients para sa paggawa ng bomba.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng US Department of Food Nutrition and Food Science, ang mga babaeng natutong magluto sa pamamagitan ng panonood ng Food channel or Cooking show ay mas matataba kaysa mga babaeng ang kaalaman sa pagluluto ay nakuha lang sa mga friends, umatend ng cooking classes o nabasa lang ang recipe sa diyaryo o magasin.

Mas tinangkilik ng mga Europeans ang paggamit ng maple syrup sa pagluluto kaysa molasses at cane sugar dahil ang dalawang huling nabanggit ay tanim ng mga slaves.

Noong unang panahon sa Rome, may isang common ingredient sa pagluluto na kung tawagin ay laserphitium. Mula ito sa silphium plant. Kulang sa salita kung ilalarawan daw ang sarap nito. Hindi na ito nag-e-exist sa kasalukuyan. Kasing lasa raw ito ng bawang pero mas malasa at masarap. Matatagpuan lang ang halaman sa Libya.

May dalawang paraan ng pag-slice ng hotdog buns. Una ini-slice sa gilid na pangkaraniwang ginagawa natin kapag lalagyan natin ito ng palaman. Ikalawa, ini-slice ito ng lengthwise sa ibabaw. Ang tawag sa paraang ito ay New England style.

(Itutuloy)

vuukle comment

WORLD WAR II

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with