^

Punto Mo

Bubwit, nahuli sa camera na nagliligpit ng gamit ng isang lalaki sa U.K.!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Nagulat ang isang photographer sa Wales, United Kingdom nang malaman niya na ang nagliligpit ng kanyang mga gamit tuwing gabi ay isang daga!

Ayon sa wildlife photographer na si Rodney Holbrook, naramdaman niya na may misteryosong nakikialam sa mga gamit niya sa kanyang tool shed nang mapansin niya na ang itinago niyang birdfood ay napunta sa kanyang lumang sapatos.

Sumunod nito ay napansin niyang ang mga kalat na iniwan niya sa gabi ay tila naliligpit.

Laging nakakandado ang kanyang tool shed kaya alam niya na hindi tao ang gumagawa nito kaya upang mahuli ang nila­lang na nakikialam sa kanyang mga gamit, nag-setup si Holbrook ng night vision camera at iniwan niya ito sa tool shed na nagrerecord buong gabi.

Nang i-review niya ang camera sa umaga, laking gulat niya na isang daga ang nagliligpit ng kanyang mga gamit! Sa video na ipinost ni Holbrook sa kanyang social media account, makikitang binubuhat isa-isa ng daga ang mga pako, cable ties at maliliit na tools para itago sa isang tray.

Pinangalanan ni Holbrook ang daga na si “Welsh Tidy Mouse”. Sa mga video na kanyang na-record tuwing gabi sa kanyang tool shed, natuklasan niya na minsan ay nagsasama pa si Welsh Tidy Mouse ng isa o dalawang daga para tumulong magligpit ng gamit.

Ayon sa paliwanag ng isang pest expert na si Gareth Davies, si Welsh Tidy Mouse ay isang rodent na tinatawag na “Mice”. Ang mice ay iba kumpara sa mga rat. May ugali na mag-hoard o mag-ipon ng pagkain at gamit ang mga mice at ito ang nakikitang dahilan kaya inililigpit nila sa isang lugar ang mga kalat sa tool shed.

Sa panayam kay Holbrook, wala siyang balak paalisin o ipapa-exterminate si Welsh Tidy Mouse sa kanyang tool shed. Hahayaan niya ito na iligpit ang kanyang gamit tuwing gabi.

vuukle comment

UNITED KINGDOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with