Inabangan sa SONA!

Ang daming hinintay ang ating mga kababayan na mga kaganapan, kahapon.

Siyempre ang pinakatampok nga rito, ay ang naging ikala­­wang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kung mga kaalyansa ng Pangulo ang tatanungin, pasado ang mga ibinida nito sa bayan. Ang mga nagawa na at ang mga binabalak pa.

Pero sa mga hindi kasangga ng Pangulo, siguradong bagsak ang ibibigay na grado.

Gaya rin sa mga nakalipas na SONA ng mga dating naging Pangulo, hindi mawawala ang mga palakpakan.

Hinintay rin ng marami ang mga kasuotan ng mga dadalo sa SONA, kung sino ang bongga.

Parang fashion show na yata ang SONA, siyempre pa walang pahuhuli.

Ang mga nagkilos-protesta, payapa namang naisagawa. Walang naiulat na aumang uri ng kaguluhan o sagupaan sa panig nila at ng mga naka-deploy na tauhan ng pulisya.

Isinabay di sa SONA, ng ibinantang tigil –pasada ng transport group na Manibela.

Pero mistulang hindi ito naramdaman.

Ang ilang ahensya at LGUs na naghanda ng libreng sakay sa mga maaapektuhan, karamihan hindi na nagamit dahil hindi kinulang.

Naging sapat na yata ang mga pumasadang pampublikong sasakyan, maliban sa ilang lugar.

Marami ang na-stranded , pero hindi dahil sa tigil-pasada kundi dahil sa bagyong Egay lalu na sa mga terminal at pantalan.

Sa kabuuan, ayon sa NCRPO generally peaceful ang naganap na SONA ng Pangulo.

Show comments