^

Punto Mo

Saan ang pinakaligtas na lugar?  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

HIMALA! Ito ang biglang nausal ng pari nang bumungad sa kanya ang eksenang ito isang umaga ng Linggo. Punung-puno kasi ang simbahan ng mga tao gayong 15 minuto pa bago mag­simula ang misa.      

Tatlong araw, bago sumapit ang araw ng Linggo, pinoproblema ng pari na kakaunti na ang nagsisimba sa kanyang parokya. Kaya naisipan niyang mamigay ng leaflets sa mga nasasakupan ng kanyang parokya kung saan nakasaad ang mga sumusunod:

Wala nang ligtas na lugar dito sa ating mundo. Alam n’yo ba...

1. Mga 20 percent ng aksidente ay nangyari habang ikaw ay nasa sasakyan.

2. Mga 17 percent ng ibang aksidente ay nangyayari sa mga sarili ninyong tahanan.

3. Samantalang mga 14 percent ay nangyayari habang ikaw ay naglalakad sa kalye.

4. Iwasang sumakay sa eroplano, barko at tren dahil 16 percent ng aksidente ay nagmumula sa mga nabanggit na transportasyon.

5. Mga 32 percent naman ay nangyayari sa mga ospital.

6. Ang natitirang one percent ay paghahatian pa ng mga lugar kagaya ng hotel, restaurant, park, mall at simbahan.

7. Kaya napakaliit na ng tsansang maaksidente ka sa simbahan.

8. Kung pipiliin mong mag-stay sa hotel, restaurant, park at mall, kakailanganin mong maglabas ng pera para ka mag-enjoy.

9. Sa simbahan, hindi pera ang ilalabas mo para mag-enjoy kundi puso at kaluluwa upang tanggapin si Hesus para sa buhay na walang hanggan.

10. Kaya simbahan lang ang pinakaligtas at pinakamatipid na lugar. Hindi lang katawan mo ang maliligtas, damay pati kaluluwa mo. O, di ba, mas maraming benefits kung magsisimba ka?

vuukle comment

SIMBAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with