Pekeng visa, binebenta online!

Talaga nga naman at hindi nauubusan ng mga bagong modus ang mga sindikato at kawatan.

Ang gagaling talaga, ang gagaling sa paggawa ng katiwalian at istilo nang panloloko sa kapwa.

Ngayon, todo-tutok ang Bureau of Immigration (BI) sa sindikatong nagpapakalat ng pekeng Phil.visa.

Siyempre ang target ng mga kolokoy, eh mga dayuhan na nagnanais na pumasok sa bansa na inaalok nila sa madaling paraan.

Isinasagawa ang modus online at aabot sa halagang P20,000 ang ibinabayad ng mga target na biktima sa pekeng visa.

Malamang sa alamang hindi alam ng dayuhang target ng lokohin na peke ang entry visa na inaalok ng sindikato.

Kaya mahigpit ang kautusan ni Immigration Commissioner Norman Tansingco tutukan at buwagin ang sindikatong ito.

Ang masaklap pa, nagagamit ang tanggapan dahil nagpapakilalang tauhan ang mga ito ng BI at kontodo pakita pa ng logo ng tanggapan.

Pinagbabayad ang mga biktima sa pamamagitan ng money transfer.

Mukhang marami-rami na ang nabiktima ng bagong sindikatong ito na posibleng ma­kaapekto rin sa industriya ng turismo sa bansa na dapat nang kalusin at hindi na makapambiktima pa.

Tututukan din ito ng inyong Responde.

Show comments