Zoo sa U.K., naghahanap ng mga empleyado na magiging tagataboy ng mga pesteng ibon!

ISANG zoo sa England ang naghahanap ng mga aplikante na payag magsuot ng eagle costume para magtrabaho bilang tagataboy ng seagulls!

Naging viral ang job opening na makikita sa website ng Blackpool Zoo kung saan ay nangangailangan sila ng U.K. residents na maging bahagi ng kanilang Visitor Services team.

Ang papasang aplikante ay kakailanganing magsuot ng eagle costume para takutin at itaboy ang seagulls na umaaligid sa main dining area ng zoo.

Malapit sa tabing dagat ang Blackpool Zoo at mara­ming seagull na lumilipad sa bahaging ito ng England. Problema ng zoo ang seagulls dahil dinadagit ng mga ito ang pagkain ng guests at pati ang feeds na para sa mga hayop sa zoo ay ninanakaw ng mga ito.

Ayon sa job description ng Blackpool zoo, kinakailangan nila ng focused, friendly, energetic, flexible at higit sa lahat, komportableng magsuot ng eagle costume. Ito ay dahil takot ang mga seagull sa mga agila.

Show comments