30-anyos na aso sa Portugal, tinaguriang pinakamatandang aso sa buong mundo!
IPINAKILALA kamakailan ng Guinness World Records si Bobi, ang kasalukuyang record holder sa pagiging pinakamatandang aso sa buong mundo.
Si Bobi ay 30-taon at 266 na araw. Ayon sa Guinness, nakuha ni Bobi ang titulo mula sa previous record holder na si Spike, 23-anyos na pinarangalan lamang noong nakaraang Enero 2023.
Base sa record ng Guinness, tinalo ni Bobi ang isang siglong record sa pagiging pinakamatandang aso. Noong 1939, ang 29 na taon at 5 araw na Australian cattle-dog ang tinaguriang pinakamatanda sa lahat.
Si Bobi ay alagang aso ng Costa family sa Leiria, Portugal. Siya ay isang purebred Rafeiro do Alentejo na may life expectancy na 12-14 taon.
Nakumpirma ang edad ni Bobi sa tulong ng 1992 registration sa Veterinary Medical Service of the Municipality of Leiria.
- Latest