^

Punto Mo

EDITORYAL - Pag-iimbestiga ng ICC

Pang-masa
EDITORYAL - Pag-iimbestiga ng ICC

DESIDIDO ang International Criminal Court (ICC) na ipagpatuloy ang nauntol na pag-iimbestiga sa mga krimen na may kinalaman sa drug campaign noong panahon ni dating President Rodrigo Duterte. Mahigit 6,000 ang namatay mula nang ­isagawa ang kampanya noong 2016. Hindi nasisiyahan ang ICC sa isinasagawang imbestigasyon ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nangyaring extra-judicial killings.

Sa pahayag ng Pre-Trial Chamber 1 ng ICC noong nakaraang linggo, inaprubahan na umano ang kahilingan ng prosecutor na ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa mga nangyaring sitwasyon sa Republika ng Pilipinas. Makaraan umano ang maingat na pag-aanalisa at pagsuri sa mga materyales na nanggaling din mismo sa Pilipinas, hindi nasisiyahan ang Chamber sa mga isinagawang imbestigasyon ng pamaalaan kaya magsasagawa ng sariling imbestigasyon.

Reaksiyon naman ni Solicitor General Menardo Guevarra sa pahayag ng PTC, hindi pa umano nila natatanggap ang resolusyon ng ICC ukol sa gaga­wing pag-iimbestiga. Ganunman, sinabi ni Guevarra na aapela sila sa ICC Chamber kung ipagpapatuloy ang pag-iimbestiga.

Nagpahayag naman si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na ipaaaresto niya ang ICC probers sakaling magtungo sa bansa ang mga ito. Wala umanong hurisdiksiyon ang ICC sa pansariling problema ng Pilipinas. Hindi umano puwedeng makialam ang sinuman sa internal problem ng bansa.

Sinabi naman ni dating President Duterte at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na hindi sila makikipag-cooperate sa ICC. Si Dela Rosa ang nanguna sa pagpapatupad ng “Oplan Tokhang” noong 2016 kung saan maraming sangkot sa illegal drug trade ang napatay. Sabi ni Dela Rosa, walang hurisdiksiyon ang ICC para pakialaman ang problema sa droga. Noong 2019, inalis ni Duterte ang Pilipinas bilang miyembro ng ICC.

Mabagal ang paggalaw ng sistema ng hustisya sa bansa at isa ito sa dahilan kaya nais ng ICC na makapag-imbestiga sila sa mga nangyaring pagpatay. Maraming humihingi ng hustisya. May mga naparusahan ngang mga pulis (gaya ng pumatay sa menor-de-edad na si Kian delos Santos noong 2017) pero iilan lang ang mga ito. Napakaraming pulis ang lumabag sa karapatang pantao. Gaya ng nangyari sa Pasay City na may mag-amang napatay makaraang pasukin ng mga pulis ang bahay.

Kung maipapangako ng pamahalaan na bibilisan ang pag-iimbestiga sa mga naganap na pagpatay baka hindi na mag-aaksaya ang ICC na manghimasok pa. Pero dahil mabagal ang justice system, maaaring hindi na mapipigil ang ICC sa gagawing pag-iimbestiga. Dapat ihayag ng pamahalaan ang posisyon sa isyung ito kung papayagan ang ICC na pumasok sa bansa.

 

vuukle comment

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with