^

Punto Mo

Lola Amalia

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MATANDANG dalaga si Lola Amalia kaya naisipan nitong ibenta ang kanyang bahay sa Texas, U.S. Sa gobyerno ng Texas niya ibinenta ang kanyang bahay para gawing resident home ng mga mentally disabled teens. Pilipino siya pero doon na inabot ng katandaan sa U.S. dahil nagtrabaho siya bilang nurse sa mahigit na 40 taon. Plano sana niyang lumipat sa isang retirement home sa Pilipinas. Pero bago mangyari iyon, siya ay inabot ng kamatayan sa kanyang bahay sa Texas.

Mga isang taon nang nagpa-function ang naibenta niyang bahay bilang kanlungan ng mga batang may sakit sa pag-iisip nang may isang pangyayari na hindi maunawaan ng management. May isang bagong pasok na nurse na laging pineperwisyo ng isang espiritu.

Ayon sa kuwento nito, muntik na siyang mahulog sa hagdanan dahil may tumulak sa kanya. Pero paglingon niya, walang tao sa kanyang paligid ng mga sandaling iyon. Sa lahat ng nurses, siya lang ang nakakaranas ng hiwaga. Dagdag na kuwento pa nito, isang matandang Asian ang nagmumulto sa kanya. Sa kanyang paglalarawan, ang tinutukoy niyang multo na gusto siyang saktan ay si Lola Amalia.

Ang pinakamatindi na naging dahilan ng kanyang resignation ay hinabol siya ng mga kutsilyo na tila gusto siyang saksakin. Hinamon niya ang pamunuan ng facility na panoorin sa CCTV ang mga pangyayari.

Pinanood ang CCTV at gimbal ang pamunuan sapagkat hindi lang ang naranasang paranormal ng nurse ang nakita ng pamunuan kundi pati ang pagnanakaw nito ng mga magagandang gamit ng mga batang pasyenteng anak mayaman. Nakita rin sa CCTV ang pananakit ng nurse sa mga pasyente.

Ang konklusyon ng mga kasamahan niyang nurses, nagmamalasakit si Lola Amalia sa mga kawawang bata kaya gumawa ito ng paraan para lumayas ang bad nurse.

vuukle comment

PROPERTIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with