^

Punto Mo

Sino ang namatay?  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

PALIBHASA’Y bagong kasal, talagang lalanggamin ang mag-asawang Charm at Rocky sa sobrang sweet sa isa’t isa. Basta’t magkapiling sa bahay, para silang ahas na laging magkalingkis sa isa’t isa. Naghihiwalay lang sila kapag magto-toilet ang isa. Kahit kumakain ay nakakandong ang babae sa lalaki.

Isang araw, nagselebreyt ang mag-asawa sa isang bar dahil birthday ni Charm. Napasobra ang inom ng dalawa kaya hindi naging maayos ang pagmamaneho ni Rocky. Akala niya ay babangga sa kanila ang malaking trak na kasalubong, buti na lang at naiiwas niya ang kanyang kotse. Nakauwi ang mag-asawa sa kanilang bahay. Agad silang nakatulog nang hindi man lang nakuhang magpalit ng damit na pantulog.

Kinabukasan, napansin nilang may malaking pagbabagong nangyari sa kanilang buhay. Pareho silang walang gana sa isa’t isa. Hindi na sila parang ahas na naglilingkisan sa higaan bago bumangon. Wala nang lips to lips. Wala nang pagsusubuan habang nakakandong ang babae sa lalaki. Wala na silang gana na magkuwentuhan. Pareho silang nag-absent sa trabaho dahil tinatamad silang pumasok.

Pagsapit ng gabi, isang balita sa telebisyon ang nagpagulo ng kanilang isipan. May isang kotse na nabangga ng trak. Ang kotse ay nayuping parang lata. Wala na sa eksena ang dalawang pasahero ng kotse dahil isinugod na sa ospital. Isa raw ang namatay ayon sa reporter. Pero hindi binanggit kung sino ang namatay dahil ipaaalam muna sa mga kamag-anak ang nangyari sa dalawa. Kinilala ang mga pasahero mula sa company ID na nakuha sa sasakyan Rocky at Charm dela Cerna.

Nagkatinginan ang dalawa. Diyata’t isa sa kanila ay isa na lang multo? Magkaiba na ang dimensiyon nilang dalawa kaya biglang nawala ang passion and sexual connection. Walang imik na hinawakan ni Charm ang kamay ni Rocky at inakay ang asawa patungo sa mirror ng kanyang tokador. Mananalamin silang dalawa. Kung sino ang walang repleksiyon sa mirror, siya ang patay na at espiritu na lamang.

Pagkatapos humarap sa mirror, napaluha si Charm, saka hinimatay. Siya kasi ang walang repleksyon sa mirror.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with