^

Punto Mo

EDITORYAL - Tularan ang tapang ni Bonifacio

Pang-masa
EDITORYAL - Tularan ang tapang ni Bonifacio

GINUNITA noong Miyerkules ang ika-159 na ka­arawan ng bayaning si Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan. Si President Ferdinand Marcos Jr. ang nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Bonifacio sa Caloocan City. Sa kanyang talumpati, pinuri niya ang tapang ni Bonifacio na nagsimula ng rebolusyon para mapalaya ang bansa sa mga Kastila. Sa himig ng pana­nalita ni Marcos, si Bonifacio para sa kanya ang pinakatunay na bayani ng masang Pilipino. Sabi pa ni Marcos, dapat tularan si Bonifacio sa ipinakitang kabayanihan.

Sa lahat ng mga bayaning Pilipino, tanging si Bonifacio lamang ang ipinagdiriwang ang araw ng kapa­nganakan kaysa kamatayan. Isang dahilan marahil kaya ang kapanganakan niysa ang ginugunita ay sapagkat karumal-dumal ang kanyang naging kamatayan noong Mayo 10, 1897 kung saan mga tauhan ni Gen. Emilio Aguinaldo ang naggawad sa kanya. Masakit gunitain na namatay siya sa kamay ng kapwa Pilipino.

Pinatay siya at kanyang kapatid na si Procopio sa Mt. Buntis sa Maragondon, Cavite. Makaraan silang patayin, inilibing sila sa isang lugar na walang palatandaan kaya hindi matiyak kung ang nahukay na buto noong 1918 sa isang tubuhan sa Maragondon ay kay Bonifacio. Ayon sa report, inilagay sa isang urna ang mga buto at inilagak sa National Library na nasa Legislative Building. Nang bombahin ng mga Hapones ang Maynila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasamang nasira ang nakapreserbang mga buto ng bayani.

Ipinanganak si Bonifacio sa Tondo, Manila noong Nobyembre 30, 1863. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Maaga silang naulila kaya siya ang nagtaguyod sa kanyang mga kapatid. Marami siyang pinasukang trabaho. Nagtinda ng mga tungkod at pamaypay. Nagtrabaho siya sa isang British company at pagkatapos ay sa German company. Habang walang ginagawa, nagbasa siya ng mga libro ukol sa French Revolutions, akda ni Victor Hugo na Les Miserables at mga libro tungkol sa mga naging presidente ng America. Nabasa rin niya ang Noli Me Tangere at El Felibusterismo ni Dr. Jose Rizal.

Itinatag niya ang Katipunan. Sinimulan nila ang rebolusyon sa pagpunit ng mga sedula. Lumaban nang buong giting sa mga Kastila sa kabila na kulang sa armas—Itak laban sa mga kanyon ng kalaban. Maraming namatay sa mga Katipunero pero sa kabila niyon, hindi sumuko si Bonifacio at ipinagpatuloy ang pakikibaka. Siya nga ang tunay na bayani ng masang Pilipino.

ANDRES BONIFACIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with