^

Punto Mo

Wheelchair (28)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAY nasagap kasi akong balita na maraming ka-frat dito si Bart at alam mo na—malakas ang loob na mam-bully o mang-asar. Maraming kakampi kasi,” sabi ni Pam na halata sa boses na nababahala.

“Salamat sa impormasyon Pam. Hindi ko naman papatulan ang pang-aasar ni Bart. Iiwasan ko siya.’’

“Oo tama yun pero palagay ko kapag hindi mo siya pinansin, lalo siyang naiinsulto. Iba ang ugali ng taong yun—may pagka-maton! Tipong sanggano!’’

“Hindi ko lang alam kung bakit ako ang nakukursunadahan niya. Sa mga lalaki sa klase natin, ako lang ang binu-bully niya. Bakit kaya?’’

“E kasi matalino ka? Ang mga walang alam na kagaya ni Bart ay asar sa mga may utak na gaya mo. Kasi ikaw lagi ang nagta-top sa klase natin. Palagay ko, yun ang dahilan.’’

“Dapat bang kainggitan o kaasaran ako dahil dun. Siyempre nag-aaral ako nang todo para may maipagmalaki. Gusto kong bigyan ng kasiyahan ang nagpapaaral sa akin.’’

“E kaso nga hindi abot yun ng pag-iisip ni Bart. Mahina nga at kung anu-ano pa ang ibinibintang sa’yo. Tingnan mo nga at pati yung nagtutulak ng wheelchair sa España ay pinagbibintangan na kakambal mo. Narinig ko pa nga na baka ikaw daw yun. Kung hindi ba naman siya bopols ay pagbibintangan ka pang tagatulak ng pulubing naka-wheelchair. Grabe talaga ang pambu-bully.’’

Hindi nagsalita si Jong. Parang tinamaan siya sa sinabi ni Pam. Ano kaya at ipagtapat niya kay Pam na totoo ngang siya ang nagtutulak ng wheelchair. Parang nakokonsensiya siya na ipinagtanggol siya ni Pam pero totoo namang siya nga ang taga­tulak ng wheelchair. Mauunawaan naman siguro siya ni Pam.

“Tayo na Jong at malapit nang mag-bell,’’ yaya ni Pam.

Lumabas na sila ng store matapos bayaran ang kanilang binili.

Nang dumating sila sa classroom, nagtaka si Jong nang hindi makita si Bart sa upuan nito. Kinutuban siya. Mukhang totoo ang sinabi ni Pam na mayroon itong binabalak sa kanya.

O baka naman talagang absent lang sa klase si Bart. Pero bakit nakasalubong niya kanina sa may gate. Ibig sabihin, maaga pa ay narito na sa school si Bart. (Itutuloy)

WHEELCHAIR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with