^

Punto Mo

Close-up shot ng langgam, nanalo sa photo contest!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG photographer mula sa Lithuania ang nagwagi sa international photography competition dahil sa pambihirang close-up shot niya sa mukha ng isang langgam!

Gamit ang highly magnified na litrato ng langgam, ipinasa ito bilang entry ng wildlife photographer na si Eugenijus Kavaliauskas sa 2022 Nikon small World Photomicrography Competition.

Kinikilala ng kompetisyon na ito ang sining ng microscope photography at ipinapakita nito sa mga tao ang mga maliliit na detalye sa kalikasan na hindi nakikita kung gamit lamang ang “naked eye”.

Ang entry ni Kavaliauskas ay isa sa 57 larawan na lumahok at ito ang nabigyan ng award na “Images of Distinction”. Ang close-up shot ng langgam ay nakunan ni Kavaliauskas sa tulong ng microscope. Limang beses minagnify ng photographer ang langgam upang makuha niya ang tamang detalye ng mukha nito.

Nag-viral ang winning entry ni Kavaliauskas sa mga social media sites at karamihan sa mga reaksyon ng netizens ay magkahalong paghanga at pagkagimbal sa malapitang mukha ng langgam.

vuukle comment

PHOTOGRAPHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with