^

Punto Mo

EDITORYAL - Wasakin ang ­korapsiyon upang maraming mag-invest

Pang-masa
EDITORYAL - Wasakin ang ­korapsiyon upang maraming mag-invest

NANGHIHIKAYAT ang mga salitang binitawan ni President Ferdinand Marcos Jr. nang magtalumpati sa New York Stock Exhange. Sinabi niya sa mga investors na ang Pilipinas ay “bright spot” sa kanilang radar. Ibig sabihin, maliwanag, matatag at may malaking potensiyal ang Pilipinas para sa mga mamumuhunan. Ipinagmalaki pa ni Marcos ang paglago ng gross domestic product, umuunlad na kalagayan sa hanapbuhay, tumataas na manufacturing activity at ang pinalalakas na trade infrastructure. Inihayag din niya ang mga bagong patakaran sa economic liberalization at ang pagluluwag sa foreign investment restrictions.

Ang panghihikayat ni Marcos sa mga investor ay sinegundahan naman ng grupo ng mga negosyante na nagsabing ang Pilipinas ang susunod na “higante sa Asia” na ang ibig sabihin, mangingibabaw ang lakas at pag-unlad ng Pilipinas sa pamumuno ni Marcos Jr. Sabi pa ng grupo, sinusuportahan nila ang pagsisikap at determinasyon ni Marcos para sa ikauunlad ng bansa at upang lalong maging matatag ang ekonomiya. Makaaasa anila ang American investors sa lalo pang paglago ng kabuhayan sa Pilipinas sa pamumuno ni Marcos.

Sana nga ay magbunga ang mga panghihikayat sa mga dayuhang investors at dumagsa sila sa Pilipinas. Harinawang, mula sa pagkakalugmok ng ekonomiya dahil sa pananalasa ng COVID-19 ay mabilis na makabangon sa tulong ng mga dayuhan. Magbunga sana ito nang maraming trabaho at nang malutas ang unemployment. Maging daan sana ito para makabawi ang peso sa dolyar na ngayon ay sadsad na.

Sinabi ni Marcos na magiging maluwag ang kanyang pamahalaan sa mga dayuhang investors. Aalisin ang restrictions at iba pang mga sagabal sa pamumuhunan. Hindi pahihirapan at bagkus padadaliin. Hindi paghihintayin.

Ito ang nararapat niyang gawin. At isa pang dapat niyang wasakin ay ang namamayaning red tape sa pamahalaan. Kabi-kabila ang korapsiyon na bago makakuha ng permit para sa negosyo ay maraming pagdadaanang tao. Bawat taong kakausapin ay kailangang magsuhol.

Wasakin muna ang korapsiyon sa pamahalaan bago umpisahang hikayatin ang mga investors. Kapag nawala ang sagabal na korapsiyon, maraming matutuwa at maniniwala sa mga pinangako ni Marcos.

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with