Paano kung ayaw tanggapin ng empleyado ang notice to explain?

Dear Attorney,

Ano po ang gagawin ko sa empleyadong ayaw tanggapin ang notice to explain na ipinadala ng management sa kanya? May mga violation po kasi siya ng company policies pero ayaw niya pong tanggapin ang notice to explain para sana mabig­yan siya ng pagkakataong maipaliwanag ang kanyang panig. —Claire

Dear Claire,

Kung ayaw tanggapin ng empleyado ang notice to explain, siguraduhin mo na may dalawang testigo na nakakita mismo sa pagtanggi ng empleyado na tanggapin ang notice ng personal. Magpadala ka rin ng orihinal na kopya ng notice sa huling address ng empleyado sa pamamagitan ng registered mail at  mag-iwan ng isang kopya nito sa kanyang work desk.

Ang lahat nang ito ay para may patunay ka na ginawa mo na ang lahat upang maipaalam ang mga akusasyon sa empleyado at para mabigyan siya ng pagkakataong makapagpaliwanag.

Mahalaga na mabigyan mo ng notice to explain ang empleyado dahil kung sa huli ay magreklamo ang em-pleyado ay hindi na magiging problema ang pagpapatunay na idinaan sa tamang proseso ang pagpapataw ng parusa sa kanya.

Show comments