^

Punto Mo

Mga lamok sa russia, bumuo ng ipuipo sa sobrang dami!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang isang motorista sa Russia matapos niyang makaeng­kuwentro ang laksa-laksang mga lamok sa daan na sa sobrang dami ay animo’y ipuipo na ang mga ito.

Ayon kay Alexei Pomonarev, binabagtas niya ang isang daan sa Ust-Kamchatsk sa silangang bahagi ng Russia nang bigla na lang matakpan ang windshield ng sasakyan niya ng laksa-laksang lamok.

Para raw bumuo ng haligi ang mga lamok na halos kasintaas daw ng mga ulap. Hindi rin daw niya mabilang ang mga haligi na ito na nagkalat sa buong bayan.

Ayon kay Lyudmila Lobkova, isang entomologist o eksperto sa mga insekto, mating behaviour daw ang ginagawa ng mga lamok at ang mga ipuipo ay binubuo raw ng napakaraming mga lalaking lamok na hindi  naman nangangagat ng tao.

Pinapaligiran ng mga ito ang mas kakaunting mga babaing lamok na matatagpuan sa gitna ng ipuipo.

vuukle comment

LAMOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with