^

Teenager na may pinakamahabang buhok, nagpagupit matapos pahabain ng 12 taon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

NAG-VIRAL kamakailan sa Indian netizens ang 18-anyos na si Nilanshi Patel ng Modasa, Gujarat, India matapos siyang magpagupit.

Ito ay sa kadahilanang ito ang unang pagkakataon na nagpagupit ang dalaga sa loob ng mahigit isang dekada!

Ang 12 na taon na pagpapahaba ng buhok ni Patel ay naging dahilan para gawaran siya ng Guinness World Records sa titulong “Longest Hair on a Teenager’’ noong 2018 at 2019.

Noong nakarang Hulyo 2020, tinanghal muli siya ng Guinness sa parehong titulo para sa kanyang buhok na may habang 200 centimeters.

Ang kanyang buhok ay maihahambing sa NBA basketball player na may tangkad na 6’6!

Nagsimulang magpahaba ng buhok si Patel noong siya’y anim na taong gulang matapos ma-trauma sa isang pangit na gupit mula sa isang salon. Simula noon, natakot na siya at ayaw nang magpagupit ng buhok.

Ngayong 2021, naisipan ni Patel na magpaalam na sa kanyang mahabang buhok dahil naisip niya na mas marami pa siyang gustong gawin at nagiging sagabal na ang pag-aalaga sa kanyang buhok na kadalasan ay inaabot ng ilang oras sa pagsusuklay at paglalagay ng hair oil.

Sa kasalukuyan, napagdesisyunan ni Patel na i-donate sa museum ang kanyang pinagupit na buhok.

HAIR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with