Wallet na nawala sa Antarctica, naibalik sa may-ari matapos ang 53 taon!
LAKING gulat ng isang lalaki sa California nang mapasakanya muli ang wallet na naiwala niya 53 taon nang siya ay nagtatrabaho pa sa Antarctica.
Ayon kay Paul Grisham ng San Diego California, hindi na niya maalala kung paano niya naiwala ang wallet noong siya ay nagsisilbi pa bilang meteorologist sa U.S. Navy sa Antarctica noong October 1967 ngunit sigurado siyang sa kanya ang wallet.
Natagpuan ang wallet matapos i-demolish ang isang building sa McMurdo Station, ang pinakatimog na bayan sa daigdig.
Nagawang mapasakamay muli ni Grisham ang kanyang wallet matapos makipag-ugnayan ang mga nag-demo-lish sa building sa US Naval Weather Service Association, isang grupo ng mga kasalukuyang tauhan at dating naglingkod sa US Navy kung saan kabilang si Grisham.
Ayon kay Grisham, nakapaloob pa rin sa wallet ang kanyang US Navy ID, dri-ver’s license, isang recipe, at pati na rin ang kanyang punch card para sa rasyon niya noon ng beer.
- Latest