‘Dambuhalang daga’ natagpuan sa imburnal sa Mexico City
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 29, 2020 - 12:00am

GULAT na gulat ang mga tagapaglinis ng imburnal sa Mexico City nang matagpuan nila ang diumano’y higanteng daga.

Inaalis nila mula sa imburnal ang nasa 22 toneladang basura nang makita nila ang dambuhalang daga.

Nakahinga rin naman sila kaagad nang maluwag nang makita nilang hindi ito totoo. Isa lamang pala itong Halloween prop.

Agad nag-viral ang litrato ng dambuhalang daga mula sa imburnal kaya naman mabilis itong nakarating sa may-ari ng prop na si Evelin Lopez.

Ayon kay Lopez, siya raw mismo ang gumawa ng dambuhalang daga ngunit nawala raw ito matapos tangayin ng baha.

Ngayong natagpuan na niya muli ang kanyang dambuhalang daga, hindi naman sigurado si Lopez kung iuuwi pa ba niya ito.

MEXICO CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with