Dating aktres, inabandona ng mga anak sa ospital!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

Malaking kasalanan para sa akin kapag tayong mga anak ay pinabayaan ang ating mga magulang.

Lalo na kapag “loss of memory” na si Nanay o si Tatay.

Kamakailan, nagsumbong sa BITAG ang caregiver ng dating­ aktres na si Leticia Talag. Buti pa ang caregiver, marunong ma­awa, umunawa at alam kung sino ang pagsusumbungan.

Mahigit isang taon nang nasa St. Lukes-Taguig ang ma­tanda. Ayon sa caregiver, pinabayaan at hindi na binibisita si Mommy Leticia ng kanyang tatlong anak na sina Wilfredo “Willy” Talag, Ana Rubie Barcelo at Butch Talag.

Napag-alaman ng BITAG na si Willy Talag ay kumandidatong mayor sa Makati, katunggali ng ngayo’y Mayor Abbie Binay. Hindi kailanman dumalaw si Willy sa kanyang ina sa ospital.

Habang si Dr. Ana Rubie Barcelo, isang dentista ay dumalaw isang beses ngayong 2020. Subalit ayon sa caregiver na nakausap ng BITAG, ayaw nitong saluhin ang mga responsibi­lidad sa ina – napakarami raw nitong alibi.

Si Butch Talag naman na nangagalaga sa ina at nagdala sa ospital, hindi na mahagilap at hindi sumasagot sa mga text at tawag ng ospital.

Nagsagawa raw ng imbestigasyon ang ospital at pinuntahan isa-isa ang idineklarang address­ ni Butch. Subalit kung hindi raw doon nakatira ay not existing ang mga address.

Hindi ko alam kung anong klaseng sikmura at saan kumukuha ng tibay ng lamanloob ang magkakapatid.

Ayon pa sa caregiver, may isyu pa tungkol sa mana ang mga kolokoy na’to.  

Ang nakakatawa pa, si Willy Talag ay naging Presidente pa ng National Mother’s Day and Father’s Day Foundation. Ang nasabing grupo ay nagbibigay ng pagkilala sa mga “Ulirang Ama at Ina” taun-taon.

Hindi ko estilong mamahiya. Pero layunin ng BITAG na makamtan ang hustisya at panagutin ang mga pabaya.

Kaya mahiya kayo sa mga balat at apog n’yo kayong magkakapatid na Talag.

Magdedemanda kayo? Bring it on!

Dapat lang na magpakita na kayo at panagutan ang mga obligasyon sa inyong ina na nakaratay sa ospital!

 

HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with