^

Punto Mo

Tikas ni Gamboa vs jueteng, masusubukan sa Cavite raid!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MASUSUBUKAN ang tikas ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa sa jueteng raid sa Cavite kung saan 17 katao ang naaresto. Nagbanta kasi si Gamboa sa 17 regional directors na hindi siya mangingiming i-relieve ang mga ito kapag hindi sila kumilos laban sa jueteng at iba pang sugal. Mainit-init pa ang pananakot ni Gamboa at heto’t ni-raid ng mga tauhan ni Maj. Gen. Jigs Coronel, ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang istasyon ng sugal sa Barangay Luksuin Ilaya sa Alfonso at sa Crossing Mendez sa Tagaytay City at 17 katao ang nahuli sa aktong nagbobola ng jueteng. Isang malaking pagsubok ang jueteng raid sa Cavite sa liderato ni Gamboa dahil malalaman kung may lason talaga ang laway niya laban sa pasugalan. Araguuyyy! Kasi nga ang may sakop sa Cavite ay si Brig. Gen. Vicente Danao, ang regional director ng Calabarzon, na sanggang dikit naman kay President Digong. Kapag may command conference ang PNP at AFP generals sa Malacañang tuwing unang linggo ng buwan ang unang hinahanap ni Digong ay ang tuta niyang si Danao, ‘di ba mga kosa? Ang masama pa, ang may pa-jueteng sa Cavite ay si alyas Capt. Carling, na nagpakilalang pamangkin ni Danao. Hak hak hak! Kaya pala matapang sumuway sa kautusan ni Gamboa si Capt. Carling eh matibay ang padrino niya sa katauhan ni Danao.

Ang mga inaresto sa Crossing Mendez sa Tagaytay City ay sina Rolando Gutierrez, 48; Maurri Angeles, 52; Jefferson Espino 27; Willy Lopez, 38; Johna Batino, 60; Josephine Malabanan, 56; Herson Acebuche, 31; Crystalene Macairan, 34; Catherine Javier, 39, at Ramon Bacquian, 40. Ang sa Barangay Luksuin Ilaya sa Alfonso naman ang nahuli ay sina Brando Endriga, 39; Eduardo Tampis, 53; Jovit Escasa, 26; Lester San Jose, 27; Czeder Empleo, 24; Ronel Camunas, 32, at Nicanor Rosano, 48. O hayan, ang mga inaresto ay mga personnel ni Capt. Carling tulad ng cashier, maintainer, coordinator, staff, at bet collector. Matibay na ebidensiya na ‘yan na talagang may jueteng sa Cavite sa hurisdiksiyon ni Danao, di ba mga kosa? Tumpak! Hak hak hak! Magiging katawatawa si Gamboa kapag naghugas kamay s’ya kay Danao.

Kapag hindi na-relieve ni Gamboa si Danao, magiging unfair ito kay Brig. Gen. Valeriano de Leon, na sinipa niya bilang hepe ng Central Visayas police. Si De Leon ay na-monitor lang na palaging kahalubilo ang mga gambling lords sa quarters niya o sa mga hotel subalit nasibak kaagad. Eh itong si Danao nahulihan talaga ng jueteng tapos maabsuwelto lang? Araguuyyy! Kawawang De Leon! Kung sabagay, mas malakas ang padrino ni Danao sa katauhan ni Digong samantalang si De Leon naman ay nakasandal kay favorite daughter Davao City Mayor Sara Duterte. Sino ang mas malakas ang padrino mga kosa? Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Sa totoo lang, hindi lang sa Cavite may jueteng kundi maging sa Albay, Camarines Sur, sa Iloilo at Olongapo City. Puro gerilya lang ang operation para mapaglalangan si Gamboa. Abangan!

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with