Speed record, naitala ng eroplano dahil sa bagyo
ISANG British Airways flight na may biyaheng New York papuntang London ang nakapagtala ng pinakamabilis na pagtawid ng Atlantic Ocean para sa isang subsonic na eroplano.
Umabot sa 1,327 kilometro kada oras ang naging bilis ng Boeing 747-436 matapos sumabay sa napakalakas na hanging dulot ng Storm Ciara na nanalasa noong oras na iyon sa Atlantic Ocean.
Salamat sa bagyo at nakalapag sa Heathrow Airport ang eroplano ng mas maaga ng 80 minutos kaysa sa nakatakdang schedule nito.
Natalo raw ng 4 oras at 56 minuto na flight ng British Airways ang dating record na naitala ng isang Norwegian airline na tinawid ang karagatang Atlantiko sa loob ng 5 oras at 13 minuto.
Sa kabila ng mabilis na biyahe dahil sa bagyo, sinigurado naman ng British Airways na pinahalagahan ng kanilang mga piloto ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.
- Latest