5-anyos na batang lalaki sa Florida, nagutom; tumawag sa 911 para magpadeliber ng pizza

MASINSINANG kinausap ng mga pulis sa Florida ang isang 5-anyos na batang lalaki na tumawag sa 911 upang umorder ng paborito niyang pizza.

Ayon sa Sanford Police Department, tumawag si Manuel Beshara sa 911 at sinabi sa operator na siya’y nagugutom at gusto niyang magpadeliber ng pizza sa kanilang bahay.

Mabilis na nagsidatingan ang tatlong pulis sa bahay ng bata at kinausap ang 15-anyos na ate nito. Ang ate pala ang nag-aalaga kay Manuel ng mga oras na iyon. Walang kaalam-alam ang ate na nakatawag na pala sa 911 ang kapatid.

Bagama’t pinangaralan at ipinaliwanag ng mga pulis kay Manuel na para sa emergency lamang ang pagtawag sa 911, sinunod pa rin nila ang hiling ng bata --- dinalhan nila ito ng paboritong pizza.

Show comments