^

Punto Mo

Cayetano, lumakas ang tsansa na maging Speaker!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

LUMAKAS lalo ang tsansa ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na maging House Speaker dahil sa nangyayaring kaguluhan sa PDP-Laban, ang political party ni Pres. Digong. Halos nagka-free- for- all na ang 300 miyembro ng PDP-Laban matapos umayaw si Digong na mag-endorso ng manok n’ya dahil ang lahat halos na kandidato ay kaututan-dila n’ya. Maging si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ay ayaw sumali sa kaguluhan at naging sentro pa nga ng biro ni Digong na kunyari ay poposasan siya dahil sa kasong insubordination.

Kaya nagkawatak-watak ang PDP-Laban at hati ang grupo nila kung sino ang dapat suportahan sa mga manok nila na humantong pa nga sa takutan, di ba Sen. Koko Pimentel Sir? Dahil sa free-for-all, t’yak uulan na naman ang pitsa sa Tongreso...este Kongreso at diyan masubukan ang liderato ni Rep. Pantaleon Alvarez, na nagbulgar sa P1 milyon payroll mula sa kampo ng isang kandidato para sa House Speaker, di ba mga kosa? At dahil sa kaguluhan sa PDP-Laban, marami sa miyembro nila ang nagrerebelde at malaki ang tsansang lumipat sila sa bakod ni Cayetano, ang dating foreign affairs secretary at vice presidential candidate ni Digong. Araguuyyy! Anong sey n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan. Tumpak!

Kaya nasabi ng mga kosa ko na lumakas lalo ang tsansa ni Cayetano dahil may mga miyembro ng PDP-Laban na sina Rep’s. Ronnie Zamora, Neptali “Boyet” Gonzales II, Abraham Tolentino at Dan Fernandez na hayagang nagbigay ng suporta nila sa una, kahit mula sa Nationalista Party siya. Ayon kay Zamora, sa lahat ng kandidato sa pagka-Speaker si Cayetano ang most qualified, na sinigundahan naman ni Gonzales na may mas magandang track record ang manok niya sa serbisyo publiko. Sinabi naman nina Tolentino at Fernandez na ibinibigay nila ang tiwala nila kay Cayetano na mamuno sa Kamara dahil sa may tiwala sila sa kakayahan niya. Binanggit pa ni Tolentino na hindi biro ang mamuno ng halos 300 independent-minded solons at dapat mayroon kang experience at competence. Tumpak! Mas pinili ng apat na suportahan si Cayetano dahil naniniwala sila na may prinsipyo at integridad na isinusulong ito at higit sa lahat malapit din kay Digong na makausap niya kaagad kapag may problema. Marami na ring mga miyembro ng PDP-Laban ang nadismaya sa pamimili ng boto ng isang kandidato noong nakaraang Linggo kaya malaki ang posibilidad na sundan nila ang yapak ng apat, di ba mga kosa? Araguuyyy! Hak hak hak! Ang mga party-list at progressive block solons kaya, madadala sila sa kinang ng salapi? Hehehe! Hala, lumipat na kayo sa bakuran ni Cayetano.

Naniniwala itong apat na breakaway solons na maayos ang kalagayan ng legislative agenda ni Digong kapag si Cayetano na ang House Speaker dahil parehas ang pananaw nila tungo sa maayos at kumportableng buhay ng mga Pinoy. Kung sabagay, sinabi naman ni Sen. Manny Pacquiao, ang campaign manager ng PDP-Laban na handa nilang suportahan ang sinumang maging Speaker kahit na hindi ito kasapi ng partido basta suportado si Digong. Abangan!

 

vuukle comment

CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with