^

Punto Mo

PNP at NBI, naiipit sa pagsuway ng PCSO sa utos ng CA!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NALALAGAY sa alanganin ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa patuloy na pagsuway ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kautusan ng korte at Court of Appeals (CA) tungkol sa Peryahan ng Bayan.

Matatandaan na sinang-ayunan ng CA ang status quo ante order ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) subalit mukhang hindi pinapansin ito ni PCSO chairman Simeon Anselmo Pinili dahil panay utos nito na mang-raid ng Peryahan sa lahat ng sulok ng bansa. Ang masama nito, ang mga raid ay isinasagawa ng PNP at NBI habang nasa kainitan ng arbitration ang PCSO at ang Globaltech Mobile Online Corp., ang nasa likod ng Peryahan.

Kaya patung-patong na kaso ang inabot ng mga pulis at NBI agents, kasama si Pinili. Araguuyyy! Hindi lang ‘yan. Napipinto pang madagdagan nang contempt of court at graft ang ikakaso kina Pinili at mga pulis at NBI kapag hindi nila inihinto ang kahibangan nilang pagsuway ng kautusan ng korte at CA, ayon kay Atty. Bernard Vitriolo, ang vice president for legal affairs ng Globaltech. Hak hak hak! Kawawang mga pulis at NBI agents at sila ang gagastos sa kaso na isasampa sa kanila ng Globaltech, ‘di ba mga kosa?

Ang Globaltech kasi mga kosa ay kasalukuyang nasa kainitan ng pakikipag-usap sa opisyales ng PCSO tungkol sa SQAO ng Pasig RTC. na kinatigan ng CA. Ang sentro ng usapan ay ang operational procedure ng Peryahan at iba pang administrative matters.

Ang CA order ay final at executory na noong Peb. 13 matapos hindi na mag-file ng motion for reconsideration ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) sa isyu ng Peryahan. Ang masakit nito, habang nasa kainitan ng pag-uusap ang magkabilang grupo, nagpalabas ng “notice to the public” ang PCSO kamakailan lang na nagsasabing ang Peryahan ay illegal at unauthorized, na ayon kay Vitriolo, ay premature at sub-judice.

Hak hak hak! Sino kaya ang nasa likod nitong patuloy na pangmamatigas ni Pinili laban sa Peryahan? Ang mga gambling lords kaya na nasa likod ng naluluging Small Town Lottery (STL)? Ano sa tingin mo President Digong?

Sa totoo lang, para maipakita ang kanilang good faith, cooperation at obedience sa CA ruling, inimbitahan ng PCSO ang Globaltech sa isang dialogue noong Marso 4 at 15 para pag-usapan ang detalye ng operation ng Peryahan, ang PCSO approved implementing rules and regulation (IRR) at ang granted authority pabor sa Globaltech.

Ang miting ay natuloy noong Abril 2 at dumalo ang PCSO officials at kasama sa topic ang SQAO na ibinigay ng Pasig RTC Branch 161 at ang final decision ng CA. Nabanggit din sa miting ang sulat ni Pinili kay PRO1 director Brig. Gen. Romulo Sapitula kung saan sinabi ng una na illegal ang Peryahan at nangako naman ang PCSO officials na rerebisahin nila ito para magkaroon ng fresh mandate ang kanilang arbitration.

Kaya laking gulat ng Globaltech nang magpalabas ng “notice to the public” si Pinili noong Abril 12, na ayon kay Vitriolo ay isang direct assault sa decision ng CA at ng Pasig RTC. Araguuyyyy! Sinabi pa ni Vitriolo na walang karapatan si Pinili na mag-interpret ng decision ng RTC o CA. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Ano kaya ang masabi nina PNP chief Gen. Oscar Albayalde at NBI director Dante Gierran sa isyu na ito ng Peryahan! Abangan!

vuukle comment

COURT OF APPEALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with