Ingat sa modus sa social media
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

Maraming nang paalala at babala ang ibinibigay ng mga awtoridad at ng iba pang ahensya ng pamahalaan tungkol sa iba’t ibang modus gamit ang social media.

Ngayon maging ang  Bureau of Immigration ay nagbabala na rin sa  ating mga kababayan partikular sa mga kababaihan patungkol sa  ‘online love modus’.

Mga Pinay nga kasi ngayon ang target ng sindikato, na ang inaalok ay makapag-asawa ng dayuhan na magbibigay sa kanila ng  oportunidad  para makapangibang-bansa.

Aktibo umano ang sindikato, katunayan nito ayon na rin sa BI,  maraming Pinay na ang lumulutang na nagiging biktima ng mga ito, pero sa kabila nito marami pa rin ang tila nakikipag­sapalaran sa kanilang pakiki-pagtransaksyon sa mga miyembro ng sindikato.

Dapat aware na ang marami na modus ng sindikato na sa simula ay padadamahin muna sila, sa pamamagitan nang pagbibigay sa kanila ng regalo o iba’t ibang bagay at maging ang kanilang pamilya at susuyuin para makuha ang kanilang tiwala.

Dyan na magsisimula hanggang sa sinasabing ‘meet up’ na dito magkikita na sila.
Dito na rin magsisimula ang tunay na pakay nito.

Magpapanggap na uuwi o bibisitahin ang biniktimang Pinay sa Pinas at dito na gagawa ng senaryo.

Una  idadahilan nito na nagkaproblema sa immigration  kaya kailangan ng pera. Hihikayatin ang biktima na magpadala ng pera para maayos umano ang problema. Ang biktima naman ura-uradang magbibigay ng perang kailangan sa akala na rin na nasa Pinas na nga ang inaantay na bisita. Pero kapag naipadala na ang pera, ayun na di na makokontak ang iniintay na bisita.

Dito na nga nababahala ang pamunuan ng BI  dahil pati ang kanilang tanggapan ginagamit sa modus.

Hindi lang yan, kundi marami pa ngayong modus na ang gamit ay social media .

Marami na rin ang napahamak dahil sa pakikipag-eye ball sa mga nakilala lamang nila sa Facebook at kng anu-ano pa.

Meron din nakikipagtrasaksyon sa online na bogus pala.

Dapat maging matalino lalu na at hindi mo kaharap ang kausap o ka-transaksyon para di mabiktima ng mga sindikato na ginagamit na nga ang mga modernong pamamaraan para makapanloko at makahuthot sa kanlang target.

SOCIAL MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with