^

Punto Mo

Lolo sa Taiwan, naglalaro ng ‘pokemon go’ gamit ang 15 cell phones nang sabay-sabay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI maiwasan ng mga taong nadadaanan sa kalsada ni Chen San-yuan,70, na lingunin siya habang siya’y nagbibisikleta sa mga lansangan ng Taipei, Taiwan.

Nakakabit kasi sa harapan ng kanyang bisikleta ang 15 mobile phones na gamit ni Chen sa paglalaro ng sikat na smartphone game na Pokemon Go.

Nilalaro ang Pokemon Go sa pamamagitan ng paggamit ng smartphone upang makapanghuli ng mga animated characters na lumilitaw sa mga aktwal na lugar.

Kilala na tuloy si Chen bilang Pokemon Grandpa, at nag-viral na rin sa Internet ang video niya habang sakay ng bisikleta niyang may nakakabit na 15 smartphones. Sa dami ng nakakakilala sa kanya ay maituturing na siyang isang minor celebrity sa Tucheng district kung saan siya nakatira.

Noong una raw ay isang smartphone lang ang kanyang gamit, ayon kay Chen na palaging bihis ng puting long-sleeved shirt at pants kapag siya ay nag-iikot sa mga lansangan sa paglalaro ng Pokemon Go.

Kalaunan daw ay naging tatlong cell phones, anim na cell phones, siyam na cell phones, 12 at hanggang umabot na nga sa kasaluku-yang bilang na 15 ang kanyang gamit na cell phones, ayon kay Chen na nagsabing ang kanyang apo ang nagturo sa kanya ng paglalaro ng Pokemon Go nang una itong lumabas noong 2016.

Ayon kay Chen, nasa $4,800 o katumbas ng P255,000 ang kabuuang halaga ng kanyang mga gamit para sa paglalaro ng Pokemon Go samantalang gumagastos naman siya ng $300 (katumbas ng P6,000) kada buwan para sa mga nabibiling virtual items sa loob mismo ng nasabing laro.

Gumagamit daw si Chen ng sangkatutak na smartphones dahil bukod daw sa mabilis na pagtaas ng kanyang level sa laro ay marami rin daw siyang nahuhuling mga pambihirang Pokemon dahil sa mga ito.

Ayon sa pensioner, buong gabi raw kung maglaro siya ng Pokemon Go kung minsan, salamat sa custom-made portable battery packs na nagre-recharge ng kanyang smartphones habang gamit niya ang mga ito.

vuukle comment

CHEN SAN-YUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with