Sulyap sa Mindanao
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - May 6, 2018 - 12:00am

Gusto kong makita ang buong Mindanao

Kaya ang diwa ko’y bahagyang gumalaw;

Ang nakita ko ay lupang mayaman

Na kulang sa dilig at patak ng ulan!

 

Sumunod na biyahe nitong aking diwa

Ay nakita ko ngayon bata at matanda;

Na nagtatakbuhan at mukhang kawawa

Dahil sa mga kabataan ng ating bansa!

 

At nakita ko rin sa sapa at ilog

Ang sariwang dugong doo’y umaagos

Dugo ng sibilyan na naghihimutok

At mga bandidong pawang taga-bundok!

 

Sa nakitang ito ako’y naghimutok

Dahil ang gobyerno’y hindi kumikilos;

Kung ang laban doon kailanga’y putok --

Mga mambabatas ay dapat kumilos!

SULYAP SA MINDANAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with