^

Punto Mo

Isla Paraiso (104)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPUPUSAG na parang isda si Jumbo ma­­karaang masakluban ng lambat na nagmula sa itaas ng puno. Eksaktung-eksakto ang pagbagsak kay Jumbo at wala siyang kawala. Kahit magpipiglas, hindi siya makakawala dahil matibay ang lambat.

“Pakawalan mo ako rito! Pakawalan mo ako!’’

“Di ba magaling ka, ikaw ang gumawa ng paraan para makatakas diyan.’’

“Walanghiya ka! Pain ka ano? Ipinain ka sa akin ano?’’

“Ngayon mo lang naisip? Akala ko tuso ka?”

“Walanghiya ka! Kapag nakatakas ako rito, papatayin kita!’’

“Hindi ka na makakata-kas kahit kailan.’’

“Sino ang nagpain sa iyo? Sino ang nag-utos sa’yo para bitagin ako!’’

Isang tinig ang narinig ni Jumbo.

“Ako Jumbo! Si Alexis! Welcome sa aming lugar!’’

At saka lumutang mula sa damuhang bahagi sina Lolo Kandoy, Benhur at Bart.

Nang makita ni Jumbo si Bart ay lalong tumaas ang boses sa galit.

“Traidor ka Bart. Magbabayad ka!’’

“Sige Jumbo gawin mo.’

“Kapag nakatakas ako, uubusin ko kayo rito!”

“Hindi na mangyayari yun, Jumbo. Bihag ka na namin at hindi ka na makakatakas pa.’’

“May mga tauhan pa ako. Nasa paligid lang sila. Isang tawag ko lang sa kanila at susugod sila rito para ako iligtas. Malalakas ang armas nila. Hindi sila magpapatalo sa inyo.’’

Nagtawanan sina Alexis.

“Bihag na rin namin sila, Jumbo. Natagpuan namin silang natutulog sa isang lugar. Ikaw daw ang nag-utos na umalis sila sapagkat mayroon kang nagustuhang tsik. Kung hindi mo sila pinaalis e di sana nailigtas ka.’’

Napatulala si Jumbo. Kaya pala walang tumutulong sa kanila ay dahil nabihag na ang mga tauhan niya. Kasalanan nga niya.

“Ngayon Jumbo anong masasabi mo?’’

“Tatakas ako rito! Papatayin ko kayo.’’

“Hindi ka na makakatakas dahil isisiyut ka namin sa balon na maraming ahas!”

Lumarawan sa mukha ni Jumbo ang takot. Ang dating astig na mukha ay biglang bumagsak sa takot.

“Okey ba Jumbo?” Tanong ni Bart. “Lahat ay may katapusan. Ngayon malapit ka nang matapos!’’

“Huwag Bart. Maaawa ka. Maawa ka!”

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with