^

Punto Mo

PNP-CIDG Region 8, imbestigahan sa droga

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAY malaking posibilidad na may tangkang cover up o pagtatakip sa operasyon ng illegal drugs kasunod ng pagkakapatay kay Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr.

Kahina-hinala ang operasyon ng PNP-CIDG Region 8 na nakapatay kay Espinosa matapos umanong manlaban.

Maraming tanong ang dapat na sagutin ng ilang operatiba ng PNP-CIDG Region 8 tulad nang paghahain nito ng search warrant ng madaling araw at nabigong makipag-ugnayan sa local police at maging sa provincial jail na may custody kay Espinosa.

Mahirap isipin na kahit pala nasa custody na ng mga otoridad ay hindi ligtas ang suspek o akusado.

Pero ang isang dapat na gawin sa lalong madaling panahon ay agad isailalim ang buong PNP-CIDG Region 8 sa malalimang imbestigasyon dahil sa posibilidad na pagtanggap ng payola mula sa illegal drug operations ng mga Espinosa.

Batay sa report, ang tiyahin umano ni CIDG Director Region 8 Supt. Marvin Marcos ang publisher ng local newspaper na idinadawit sa payola mula sa mga Espinosa.

Pinabulaanan na ng mga personalidad na idinadawit sa payola pero dapat ay isailalim sa malalimang imbestigasyon ang mga ito lalo na ang mga pulis.

Sana, agad malutas ang kasong ito na pagpatay kay Espinosa upang hindi naman maapektuhan at mapagdudahan ang kampanya laban sa illegal drugs ng Duterte administration.

Isa sa mga proseso na maaring magbigay linaw sa kaso ay ang gagawing imbestigasyon ng Senado upang maipatawag na rin ang mga operatiba at hepe ng CIDG-8 at maipagpatuloy ang tagumpay ng pamahalaan sa kampanya laban sa illegal drugs.

vuukle comment

PNP-CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with